16 Pero ang totoo, ang pag-unlad nilaʼy hindi galing sa sarili nilang pagsisikap. Kaya anuman ang ipapayo ng masasamang taong ito ay hindi ko tatanggapin.
17 “Pero madalang ang taong masasama na namamatay. Bihirang dumating sa kanila ang kahirapan o parusang ipinapadala ng Dios dahil sa kanyang galit.
18 Bihira nilang maranasan ang mapalayas tulad ng ipa na tinatangay ng malakas na hangin.
19 Sinasabi ninyo na kapag hindi sila parurusahan ng Dios ang mga anak nila ang parurusahan. Pero sa ganang akin, ang nagkasala ang siyang dapat parusahan ng Dios para maranasan nila
20 at makita ang kanilang kapahamakan. Matikman sana nila ang galit ng Makapangyarihang Dios.
21 Kapag patay na sila, hindi na nila malalaman ang mga nangyayari sa kanilang sambahayan.
22 “Matuturuan ba ng tao ang Dios, na siya ngang pinakamataas na hukom?