26 Pero pareho rin silang ililibing sa lupa at kakainin ng mga uod.
27 “Alam ko kung ano ang nasa isip ninyo. Alam ko kung ano ang binabalak ninyo laban sa akin.
28 Sasabihin ninyo sa akin ang tungkol sa mga taong mayaman na nawasak ang tahanan dahil sa kanilang kasamaan.
29 Pero tanungin mo ang mga dumadaan at pakinggan ang sinasabi nila. Sapagkat sasabihin nila sa inyo na
30 palaging naliligtas ang masasamang tao sa araw ng pagpaparusa ng Dios.
31 Walang hayagang sumasaway sa taong masama. Walang gumaganti sa masama niyang ginawa.
32-33 At kapag namatay siya at inihatid sa kanyang huling hantungan, marami ang nakikipaglibing. Tinatanggap ng lupa ang katawan niya at binibigyan ng kapahingahan. Binabantayan pa ang kanyang libingan.