4 “Ang hinaing koʼy hindi laban sa tao kundi sa Dios. Ito ang dahilan kung bakit maikli ang pasensya ko.
5 Tingnan ninyo ako. Sa nakita ninyo sa akin makakapagsalita pa ba kayo?
6 Kung iisipin ko ang mga nangyayari sa akin, manginginig ako sa takot.
7 “Bakit patuloy na nabubuhay ang mga masama? Tumatanda sila at nagiging maunlad.
8 Nakikita nila ang paglaki ng kanilang mga anak at apo.
9 Namumuhay sila sa kanilang tahanan na ligtas sa panganib at walang kinatatakutan. Hindi sila pinaparusahan ng Dios.
10 Walang tigil ang panganganak ng kanilang mga baka at hindi ito nakukunan.