9 Namumuhay sila sa kanilang tahanan na ligtas sa panganib at walang kinatatakutan. Hindi sila pinaparusahan ng Dios.
10 Walang tigil ang panganganak ng kanilang mga baka at hindi ito nakukunan.
11 Marami silang anak, parang kawan ng tupa sa dami. Nagsasayawan sila,
12 nag-aawitan, at nagkakatuwaan sa tugtog ng tamburin, alpa at plauta.
13 Namumuhay sila sa kasaganaan at payapang namamatay.
14 Pero sinasabi nila sa Dios, ‘Pabayaan mo kami! Ayaw naming malaman ang iyong mga pamamaraan.
15 Sino kang Makapangyarihan na dapat naming paglingkuran? At ano ba ang mapapala namin kung mananalangin kami sa iyo?’