13 Huwag ninyong sasabihing, ‘Napag-alaman naming mas marunong siya. Hayaan ninyong ang Dios ang sumagot sa kanya at hindi ang tao!’
14 Kung sa akin siya nakipagtalo, hindi ko siya sasagutin na katulad ng mga sinabi ninyo.
15 Hindi na kayo makakibo ngayon at wala nang maisagot sa kanya.
16 At ngayong wala na kayong maisagot, kailangan ko pa bang maghintay?
17 Ako rin ay may sasabihin ayon sa nalalaman ko.
18 Dahil marami akong gustong sabihin, at hindi ko na talaga ito mapigilan.
19 Para akong bagong sisidlang-balat na punong-puno at malapit nang sumabog.