16 At ngayong wala na kayong maisagot, kailangan ko pa bang maghintay?
17 Ako rin ay may sasabihin ayon sa nalalaman ko.
18 Dahil marami akong gustong sabihin, at hindi ko na talaga ito mapigilan.
19 Para akong bagong sisidlang-balat na punong-puno at malapit nang sumabog.
20 Kinakailangan kong magsalita para gumaan ang pakiramdam ko.
21 Wala akong kakampihan o pupurihin.
22 Hindi ako marunong mambola. Kung gagawin ko ito, parusahan nawa ako ng aking Manlilikha.”