1 “Ngayon, Job, pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko sa iyo.
2 Handang-handa na akong magsalita, at ang mga sasabihin koʼy nasa dulo na ng aking dila.
3 Ang sasabihin koʼy mula sa tapat kong puso at tuwiran kong sasabihin ang aking nalalaman.
4 Ang espiritu ng Makapangyarihang Dios ang gumawa sa akin at nagbigay buhay.
5 Sagutin mo ako, kung kaya mo. Ihanda mo ang iyong katuwiran at harapin ako.