6 Pareho lang tayo sa harapan ng Dios. Tulad mo rin akong nagmula sa lupa.
7 Kaya huwag kang matakot sa akin at huwag mong isipin na aapihin kita.
8 “Narinig ko ang mga sinabi mo. Sinabi mong,
9 ‘Wala akong kasalanan. Malinis ako at walang ginawang masama.
10 Pero naghahanap ang Dios ng dahilan para akoʼy pahirapan. Itinuturing niya akong kaaway.
11 Kinadenahan niya ang mga paa ko at binabantayan ang lahat ng kilos ko.’
12 “Pero Job, mali ka sa mga sinabi mo. Hindi baʼt ang Dios ay higit kaysa sa tao?