16 pero napakalakas nito, at napakatibay ng katawan.
17 Ang buntot niyaʼy tuwid na tuwid na parang kahoy ng sedro, at ang mga hitaʼy matipuno.
18 Ang mga buto nitoʼy kasintibay ng tubong tanso o bakal.
19 Kahanga-hanga siya sa lahat ng aking nilalang. Pero ako na Manlilikha niya ay hindi niya matatalo.
20 Nanginginain siya sa mga kabundukan habang naglalaro ang mga hayop sa gubat malapit sa kanya.
21 Nagpapahinga siya sa matitinik na halamang natatabunan ng talahib.
22 Ang mga halamang matinik at ang iba pang mga punongkahoy sa tabi ng batis ay nagiging kanlungan niya.