18 Ang mga buto nitoʼy kasintibay ng tubong tanso o bakal.
19 Kahanga-hanga siya sa lahat ng aking nilalang. Pero ako na Manlilikha niya ay hindi niya matatalo.
20 Nanginginain siya sa mga kabundukan habang naglalaro ang mga hayop sa gubat malapit sa kanya.
21 Nagpapahinga siya sa matitinik na halamang natatabunan ng talahib.
22 Ang mga halamang matinik at ang iba pang mga punongkahoy sa tabi ng batis ay nagiging kanlungan niya.
23 Hindi siya natatakot kahit na rumaragasa ang tubig sa ilog. Tahimik pa rin siya kahit halos natatabunan na siya ng tubig sa Ilog ng Jordan.
24 Sino ang makakahuli sa kanya sa pamamagitan ng pagbulag sa kanya? Sino ang makakabitag sa kanya at makakakawit sa ilong niya?