3 Kaya sinagot ni Job ang Panginoon,
4 “Hindi po ako karapat-dapat na sumagot sa inyo. Tatahimik na lang po ako.
5 Marami na akong nasabi, kaya hindi na po ako magsasalita.”
6 Muling sinabi ng Panginoon kay Job mula sa ipu-ipo,
7 “Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko.
8 “Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama?
9 Ikaw baʼy makapangyarihang tulad ko? Magagawa mo bang parang kulog ang tinig mo na katulad ng sa akin?