31 Kinakalawkaw niya ang dagat hanggang bumula na parang kumukulong tubig sa palayok o kumukulong langis sa kaldero.
32 Ang tubig na kanyang dinadaanan ay bumubula, parang puting buhok kung tingnan.
33 Wala siyang katulad dito sa mundo. Isa siyang nilalang na walang kinatatakutan.
34 Minamaliit niya ang lahat ng mayayabang na hayop. Siya ang hari ng lahat ng mababangis na hayop sa gubat.”