14 Hindi sila nakakakita kahit maliwanag, at nangangapa sila na parang gabi kahit na katanghalian.
15 Inililigtas ng Dios ang mga dukha mula sa kamatayan at sa mga taong makapangyarihan na umaapi sa kanila.
16 Kaya may pag-asa ang mga dukha, pero ang masasama ay kanyang sinasaway.
17 “Mapalad ang taong itinutuwid ng Dios ang pag-uugali. Kaya huwag mong mamasamain ang pagtutuwid ng Makapangyarihang Dios sa iyo.
18 Sapagkat ang kanyang mga sinusugatan ay kanya ring ginagamot, at ang kanyang sinasaktan ay kanya ring pinagagaling.
19 Palagi ka niyang ililigtas sa mga salot at panganib.
20 Ililigtas ka niya sa kamatayan sa panahon ng taggutom at digmaan.