23 sapagkat hindi ka gagalawin ng mga ito. At hindi ka na mahihirapang magtanim sa bukid mong mabato.
24 Mamumuhay ng payapa ang sambahayan mo at walang mawawala sa iyong mga hayop.
25 Dadami ang iyong angkan na parang kasindami ng mga damo sa lupa.
26 Hahaba ang buhay mo at hindi ka mamamatay nang hindi sa tamang panahon.
27 Ayon sa aming nalaman at naranasan, napatunayan namin na talagang totoo ang lahat ng ito. Kaya dinggin mo ito at isabuhay para sa ikabubuti mo.”