1 Ito ang kasaysayan ng mga anak ni Noe na sina Shem, Ham at Jafet pagkatapos ng baha.
2 Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras.
3 Sina Askenaz, Rifat at Togarma ang mga anak na lalaki ni Gomer.
4 Ang kay Javan naman ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.
5 Ito ang mga anak at apo ni Jafet. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa baybay-dagat at mga pulo. Bawat isa'y nagkaroon ng sariling lupain at wika.