1 Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Esau na tinatawag ding Edom.
2 Ang napangasawa niya ay mga Cananea: si Ada, anak ni Elon na Heteo, si Aholibama, anak ni Ana at apo ni Zibeon na Hivita,
3 at si Basemat na anak naman ni Ismael at kapatid ni Nebayot.
4 Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz; kay Basemat ay si Reuel;
5 at kay Aholibama ay sina Jeus, Jalam at Korah. Silang lahat ay ipinanganak sa Canaan.
6 Nangibang-bayan si Esau kasama ang kanyang mga asawa, mga anak, mga tauhan, pati ang mga hayop at ang lahat ng ari-arian ay kanyang dinala.
7 Iniwan niya si Jacob sa Canaan, sapagkat ang lupaing ito'y hindi na sapat sa kanilang mga kawan.
8 Sa Seir nanirahan si Esau.
9 Ito ang kasaysayan ng lahi na mula kay Esau, ang pinagmulan ng mga Edomita sa kaburulan ng Seir:
10 si Elifaz, anak kay Ada; at si Reuel, kay Basemat.
11 Ang mga anak naman ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam at Kenaz.
12 At si Amalek ang naging anak ni Elifaz kay Timna. Sila ang mga apo ni Esau kay Ada.
13 Ito naman ang mga apo ni Esau kay Reuel na anak ni Basemat: Nahat, Zera, Shammah at Miza.
14 Ang mga anak ni Esau kay Aholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon, ay sina Jeus, Jalam at Korah.
15-16 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau: Teman, Omar, Zefo at Kenaz, Korah, Gatam at Amalek, mga anak ni Elifaz na kanyang panganay at apo ni Ada. Sila'y naging pinuno sa lupain ng Edom.
17 Naging mga pinuno rin sa lupain ng Edom sina Nahat, Zera, Shammah, at Miza na mga anak ni Reuel. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.
18 Sina Jeus, Jalam at Korah ang naging pinuno sa mga anak ni Esau kay Aholibama na anak ni Ana.
19 Ang lahat ng mga liping ito'y nagmula sa lahi ni Esau.
20 Ito ang mga anak ni Seir, ang Horeo: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana,
21 Dishon, Ezer at Disan. Sila ang mga pinuno ng mga Horeo na unang nanirahan sa lupain ng Edom.
22 Ang mga anak ni Lotan ay sina Hori at Heman. Si Timna ay kapatid na babae ni Lotan.
23 Ito naman ang mga anak ni Sobal: Alvan, Manahat, Ebal, Zefo at Onam.
24 Ang kay Zibeon naman ay sina Aya at Ana. Si Ana ang siyang nakatuklas ng mainit na bukal sa ilang samantalang inaalagaan ang mga asno ng kanyang ama.
25 Ang mga anak ni Ana ay si Dishon at ang kapatid nitong babae na si Aholibama.
26 Ang mga anak naman ni Dishon ay sina Hemdan, Esban, Itran at Keran.
27 Sina Bilhan, Zaavan at Acan ang mga anak naman ni Ezer.
28 At ang kay Disan ay sina Hus at Aran.
29 Ito ang mga pinuno ng mga Horeo sa lupain ng Seir ayon sa kanilang angkan: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana,
30 Dishon, Ezer at Disan.
31 Ito naman ang mga naging hari sa lupain ng Edom bago nagkaroon ng haring Israelita.
32 Si Bela, ang anak ni Beor, ay naghari sa Lunsod ng Dinaba.
33 Pagkamatay niya, pumalit si Jobab na anak ni Zerah, na taga-Bosra.
34 Nang mamatay naman si Jobab, pumalit si Husam na Temaneo.
35 Namatay si Husam, at humalili naman si Hadad, anak ni Bedad na tumalo sa mga Midianita sa lupain ng Moab. Avit ang tawag sa kanyang lunsod.
36 Pagkamatay ni Hadad, siya'y pinalitan ni Samla na taga-Masreca.
37 Si Saul namang taga-Rehobot sa Eufrates ang sumunod na namahala pagkamatay ni Samla.
38 Pagkamatay ni Saul, ang naghari ay si Baal-hanan na anak ni Acbor.
39 Pagkamatay ni Baal-hanan, pumalit si Hadar. Ang pangalan ng lunsod niya ay Pau. Si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab ang kanyang asawa.
40 Ito ang mga liping nagmula kay Esau ayon sa kanilang tirahan: Timna, Alva, Jetet,
41 Aholibama, Ela, Pinon,
42 Kenaz, Teman, Mibzar,
43 Magdiel at Iram. Ito ang mga bansa ng Edom ayon sa kani-kanilang tirahan. Si Esau ang ninuno ng mga Edomita.