19 Mula sa Sidon, ang kanilang hangganan sa gawing timog ay umabot sa Gerar na malapit sa Gaza. Sa gawing silangan naman, umabot sila sa Sodoma, Gomorra, Adma at Zeboim na malapit sa Lasa.
20 Ito ang lahi ni Ham na nanirahan sa iba't ibang lupain at naging iba't ibang bansa na may kani-kanilang wika.
21 Si Shem, ang nakatatandang kapatid ni Jafet, ang pinagmulan naman ng lahi ni Heber.
22 Ang kanyang mga anak ay sina Elam, Ashur, Arfaxad, Lud at Aram.
23 Ang mga anak naman ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mas.
24 Si Arfaxad ang ama ni Selah na ama naman ni Heber.
25 Dalawa ang anak ni Heber: ang isa'y tinawag na Peleg, sapagkat noong panahon niya ay nagkahiwa-hiwalay ang mga tao sa daigdig; ang kapatid niya ay si Joctan.