28 Bigyan ka nawa ng Diyos, ng hamog buhat sa itaas,upang tumaba ang lupa mo't ikaw nama'y makaranasng saganang pag-aani at katas ng ubas.
29 Hayaan ang mga bansa'y gumalang at paalipin;bilang pinuno, ikaw ay kilalanin.Igagalang ka ng mga kapatid mo,mga anak ng iyong ina ay yuyuko sa iyo.Sila nawang sumusumpa sa iyo ay sumpain din,ngunit ang nagpapala sa iyo ay pagpalain.”
30 Matapos igawad ni Isaac ang kanyang basbas, umalis si Jacob. Siya namang pagdating ni Esau na may dalang usa.
31 Niluto niya ito nang masarap at dinala sa ama. Sinabi niya, “Maupo kayo, ama, at kainin ninyo ang dala kong pagkain upang ako'y inyong mabasbasan.”
32 “Sino ka ba?” tanong ni Isaac.“Si Esau po, ang inyong panganay,” tugon naman niya.
33 Nanginig ang buong katawan ni Isaac. Sabi niya, “Kung gayo'y sino ang naunang nagdala sa akin ng pagkain? Katatapos ko lang kumain nang ika'y dumating. Binasbasan ko na siya at tataglayin niya iyon magpakailanman.”
34 Humagulgol ng iyak si Esau nang marinig ito at nagmamakaawa, “Basbasan din po ninyo ako, ama!”