4 At pinasiping niya kay Jacob ang kanyang aliping si Bilha.
5 Nagdalang-tao ito at nanganak ng lalaki.
6 “Panig sa akin ang hatol ng Diyos,” sabi ni Raquel. “Dininig niya ang aking dalangin at pinagkalooban ako ng anak na lalaki.” Kaya Dan ang ipinangalan niya rito.
7 Muling nagdalang-tao si Bilha at nanganak ng isa pang lalaki.
8 Sinabi ni Raquel, “Naging mahigpit ang labanan naming magkapatid, ngunit ako ang nagtagumpay.” Kaya, tinawag niyang Neftali ang bata.
9 Nang mapag-isip-isip ni Lea na hindi na siya nanganganak, ibinigay naman niya kay Jacob si Zilpa,
10 at nagkaanak ito ng lalaki.