29 “Ano namang pangalan ninyo?” tanong ni Jacob.“Bakit gusto mo pang malaman?” sagot naman ng lalaki. At binasbasan niya si Jacob.
30 Sinabi ni Jacob, “Nakita ko ang mukha ng Diyos, gayunma'y buháy pa rin ako.” At tinawag niyang Peniel ang lugar na iyon.
31 Sumisikat na ang araw nang umalis siya roon at papilay-pilay na lumakad.
32 Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayo'y hindi kinakain ng mga Israelita ang litid ng pigi ng hayop, sapagkat iyon ang bahaging napilay kay Jacob.