4 Siya'y patakbong sinalubong ni Esau, niyakap nang mahigpit at hinagkan. Nag-iyakan ang magkapatid.
5 Nang makita ni Esau ang mga babae at mga bata, itinanong niya kung sino sila.“Iyan ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos,” tugon ni Jacob.
6 Nagsilapit ang mga asawang-lingkod na kasama ang mga bata at yumukod;
7 sumunod si Lea at ang kasamang mga bata, at sa katapus-tapusa'y si Jose at si Raquel. Yumukod silang lahat at nagbigay-galang kay Esau.
8 “Ano naman ang mga kawan na nasalubong ko?” tanong ni Esau.“Iyon ay mga pasalubong ko sa iyo,” sagot niya.
9 Ngunit sinabi ni Esau, “Sapat na ang kabuhayan ko. Sa iyo na lang iyan.”
10 Sinabi ni Jacob, “Hindi! Para sa iyo talaga ang mga iyan; tanggapin mo na kung talagang ako'y pinapatawad mo. Pagkakita ko sa mukha mo at madama ang magandang pagtanggap mo sa akin, para ko na ring nakita ang Diyos!