20 Naging anak ni Ada si Jabal, ang ninuno ng mga nagpapastol ng mga baka at ng mga tumitira sa tolda.
21 Kapatid nito si Jubal na siya namang ninuno ng mga manunugtog ng alpa at plauta.
22 Naging anak naman ni Zilla si Tubal-cain na ninuno ng lahat ng panday ng mga kagamitang tanso at bakal. Si Tubal-cain ay may kapatid na babae, si Naama.
23 Sinabi ni Lamec sa dalawa niyang asawa:“Dinggin ninyo itong aking sasabihin,Ada at Zilla, mga asawa kong giliw;may pinatay akong isang kabataan,sapagkat ako'y kanyang sinugatan.
24 Kung saktan si Cain, ang parusang gawad sa gagawa nito'y pitong patong agad;ngunit kapag ako ang siyang sinaktan, pitumpu't pitong patong ang kaparusahan.”
25 Muling sinipingan ni Adan ang kanyang asawa, at ito'y nanganak ng isa pang lalaki. Sinabi ng ina, “Binigyan ako ng Diyos ng kapalit ni Abel na pinatay ni Cain;” at ito'y tinawag niyang Set.
26 Si Set ang ama ni Enos. Noon nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh ang mga tao sa kanilang pagsamba.