19 “Haharangin si Gad ng mga tulisan,lalabanan niya at magtatakbuhan.
20 “Ang bukid ni Asher ay pag-aanihanng mga pagkain ng taong marangal.
21 “Si Neftali naman ay tulad ng usa,malaya't ang dalang balita'y maganda.
22 “Si Jose nama'y baging na mabunga.Sa tabi ng bukal nakatanim siya,paakyat sa pader ang pagtubo niya.
23 Mga mangangaso ang nagpapahirap,hinahabol siya ng palaso't sibat.
24 Subalit ang iyong busog ay mananatiling malakas,ang iyong mga bisig ay palalakasin,ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob,pastol ng Israel, matibay na muog.
25 Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo,ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas saiyo.Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan,malalim na tubig sa lupa'y bubukal;dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan.