4 mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat.Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag;pagkat ang ama mo ay iyong hinamak,dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.
5 “Simeon at Levi na magkapatid,ang sandata ninyo'y ipinanlulupig;
6 sa usapan ninyo'y di ako sasali,sa inyong gawain, hindi babahagi.Kapag nagagalit agad pumapatay,lumpo pati hayop kung makatuwaan.
7 Kayo'y susumpain, sa bangis at galit,sa ugali ninyo na mapagmalabis;kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain,sa buong Israel ay pangangalatin.
8 “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal,hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.
9 Mabangis na leon ang iyong larawan,muling nagkukubli matapos pumatay;ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay,walang mangangahas lumapit sinuman.
10 Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihansa kanya kailanma'y hindi lilisan;mga bansa sa kanya'y magkakaloob,mga angkan sa kanya'y maglilingkod.