8 “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal,hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.
9 Mabangis na leon ang iyong larawan,muling nagkukubli matapos pumatay;ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay,walang mangangahas lumapit sinuman.
10 Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihansa kanya kailanma'y hindi lilisan;mga bansa sa kanya'y magkakaloob,mga angkan sa kanya'y maglilingkod.
11 Batang asno niya doon natatali,sa puno ng ubas na tanging pinili;mga damit niya'y doon nilalabhan,sa alak ng ubas na lubhang matapang.
12 Mata'y namumula dahilan sa alak,ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.
13 “Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun,ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong;ang iyong lupai'y aabot sa Sidon.
14 “Malakas na asno ang katulad mo, Isacar,ngunit sa kulungan ka maglulumagak.