1 Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at ang lahat ng hayop na kasama niya sa malaking barko. Kaya't pinaihip niya ang hangin, at nagsimulang humupa ang tubig.
2 Huminto ang mga bukal at tumigil ang pagbuhos ng ulan.
3 Patuloy na humupa ang tubig, at pagkaraan ng 150 araw ay mababa na ang baha.
4 Sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat noong ikalabimpitong araw ng ikapitong buwan.
5 Patuloy ang paghupa ng tubig at nang unang araw ng ikasampung buwan, lumitaw ang taluktok ng mga bundok.
6 Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng barko na kanyang ginawa.
7 Pinalipad niya ang isang uwak at ito'y nagpabalik-balik hanggang matuyo ang tubig sa lupa.