1 Sinabi sa akin ni Yahweh,
2 “Ezekiel, anak ng tao, sa Jerusalem ka naman humarap at magpahayag laban sa mga dambana at bigyang babala ang Israel.
3 Sabihin mo, ganito ang sabi ni Yahweh: Ako ay laban sa iyo. Bubunutin ko ang aking tabak at papatayin ang masama't mabuti.
4 Ang pagbunot ko nito ay laban sa lahat ng tao, mula sa timog hanggang sa hilaga.
5 Sa pamamagitan nito'y makikilala ng lahat na akong si Yahweh ang nagbunot ng tabak at hindi ko ito isusuksok muli.
6 Kaya, Ezekiel, manangis kang walang tigil at iparinig mo ito sa kanila.