27 Sa ganyang paraan ko puputulin ang iyong mahalay na pamumuhay mula pa nang ika'y nasa Egipto. Sa gayon, hindi ka na mahuhumaling sa mga diyus-diyosan at malilimutan mo na ang Egipto.”
28 Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Ipauubaya kita sa mga taong kinamumuhian mo.
29 Ipadarama naman nila sa iyo ang kanilang kalupitan. Sasamsamin nila ang lahat ng iyong ari-arian pati iyong kasuotan. Iiwan ka nilang hubo't hubad. Nagpakasama ka.
30 Nakiapid ka sa mga bansa at nakisamba sa kanilang mga diyus-diyosan.
31 Pinarisan mo ang iyong kapatid kaya naman ipalalasap ko sa iyo ang parusang ipinataw ko sa kanya.”
32 Ito nga ang ipinapasabi ni Yahweh:“Ang iinuman mong saro ng iyong kapatid ay malaki at malalim.Ikaw ay pagtatawanan at tutuyain;pagkat umaapaw ang laman nito.
33 Malalasing ka at matitigib ng kalungkutan,sapagkat ang saro ng Samaria na kapatid mo,ay saro ng pagkatakot at pagkawasak.