1 Nang ikasampung araw ng ikasampung buwan ng ikasiyam na taon ng aming pagkabihag, sinabi sa akin ni Yahweh:
2 “Ezekiel, anak ng tao, isulat mo ang araw na ito, sapagkat ngayon ay pasisimulan ng hari ng Babilonia ang pagkubkob sa Jerusalem.
3 Ilahad mo ang isang talinhaga tungkol sa mapaghimagsik na bayan ng Israel. Sabihin mong ito ang ipinapasabi ni Yahweh:Magsalang ka ng palayok at punuin ng tubig.
4 Ilagay rito ang mga piling bahagi,ang hita at pitso,at punuin din ng maiinam na butong lagain.