21 Ang Arabia naman at ang mga pangunahin ng Kedar ang pinanggalingan ng kailangan mong kordero, tupang lalaki, at mga kambing.
22 Nakipagkalakalan din sa iyo ang Seba at Raama; ang dala nila'y lahat ng uri ng piling pabango, mamahaling bato, at mga ginto.
23 Nakipagkalakalan din sa iyo ang Haran, Cane, Eden, Assur, at Kilmad.
24 Mamahaling damit na asul at burdado, alpombrang magaganda at iba't ibang kulay at natataliang mabuti ng kordon. Ang mga ito ang ibinibiyahe nila sa iyo.
25 Mga malalaking barko ang pambiyahe mo ng iyong mga produkto.“Ikaw ay punung-puno ng mabigat na kalakalsa gitna ng karagatan.
26 Dinadala ka ng mga tagasagwan mo sa iba't ibang lugar,ngunit binayo ka ng hanging mula sa silangan, at nawasak sa gitna ng dagat.
27 Ang iyong kayamanan, kalakal,mga marinero, kapitan,tagakumpuni, mangangalakal, at mga kawalay kasama mong nalubog sa dagat nang ikaw ay mawasak.