27 Ang iyong kayamanan, kalakal,mga marinero, kapitan,tagakumpuni, mangangalakal, at mga kawalay kasama mong nalubog sa dagat nang ikaw ay mawasak.
28 Mga lugar sa baybayin ay nayanigsa sigaw ng mga tagasagwan mong nalulunod sa gitna ng tubig.
29 “Wala nang tao isa man sa mga barko;nag-alisan na ang mga tripulante.
30 Tinangisan ka nila nang buong kapaitan.Nilagyan nila ng alabok ang kanilang ulo saka gumulong sa bunton ng abo.
31 Nag-ahit sila ng ulo.Pagkatapos, nagbihis ng damit-panluksaat nanangis nang kapait-paitan.
32 Ang panaghoy nila'y hinaluan pa ng panaghoy:‘Sino ang nawasak sa gitna ng dagat na tulad ng Tiro?’ tanong nila.
33 Ang mga kalakal moay pantugon sa pangangailangan ng marami.Dahil sa yaman mo at panindaay bumuti ang buhay ng mga hari.