29 “Wala nang tao isa man sa mga barko;nag-alisan na ang mga tripulante.
30 Tinangisan ka nila nang buong kapaitan.Nilagyan nila ng alabok ang kanilang ulo saka gumulong sa bunton ng abo.
31 Nag-ahit sila ng ulo.Pagkatapos, nagbihis ng damit-panluksaat nanangis nang kapait-paitan.
32 Ang panaghoy nila'y hinaluan pa ng panaghoy:‘Sino ang nawasak sa gitna ng dagat na tulad ng Tiro?’ tanong nila.
33 Ang mga kalakal moay pantugon sa pangangailangan ng marami.Dahil sa yaman mo at panindaay bumuti ang buhay ng mga hari.
34 Ngayon, ikaw ay wasak na sa gitna ng karagatan.Lumubog na kasama mo ang iyong mga produkto at mga tauhan.
35 Ang lahat sa baybay-dagat, pati nasa katihan,ay nagtatakang natatakot sa iyong sinapit.