1 Dinala ako ng lalaki sa tarangkahan sa gawing silangan.
2 Doon, nakita kong dumarating mula sa silangan ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel, parang dagundong ng malaking baha. Nagliwanag ang lupa dahil sa kaluwalhatiang yaon.
3 Ang pangitaing ito ay tulad ng nakita ko nang wasakin ang Jerusalem. Tulad din ito noong nakita ko sa Ilog Kebar. At ako'y dumapa sa lupa.
4 Ang nakakasilaw na liwanag ay nagdaan sa pintuan sa silangan at pumasok sa templo.