13 Makakakuha tayo sa kanila ng mga mamahaling ari-arian, at pupunuin natin ang ating mga bahay ng ating mga nasamsam.
14 Sige na, sumama ka na sa amin, at paghahatian natin ang ating mga nasamsam.”
15 Anak, huwag kang sumama sa kanila; iwasan mo sila.
16 Sapagkat mabilis sila sa paggawa ng masama at sa pagpatay ng tao.
17 Walang kabuluhan ang paglalagay ng bitag kung ang ibong iyong huhulihin ay nakatingin.
18 Alam ng ibon na mahuhuli siya, pero ang taong masasama, hindi nila alam na sila rin ang magiging biktima ng ginagawa nila.
19 Ganyan ang mangyayari sa mga taong ang ari-arian ay nakuha sa masamang paraan. Mamamatay sila sa ganoon ding paraan.