17 Iniwan ng ganyang babae ang napangasawa niya noong kanyang kabataan. Kinalimutan niya ang pangako niya sa Dios nang silaʼy ikasal.
18 Kapag pumunta ka sa bahay niya, para ka na ring pumunta sa kamatayan. Sapagkat ito ang daan tungo sa daigdig ng mga patay.
19 Kung sino man ang pupunta sa kanya ay hindi na makakauwi; makakalimutan na niya ang daan patungo sa lugar ng mga buhay.
20 Kaya tularan mo ang pamumuhay ng mabubuting tao at mamuhay ka ng matuwid.
21 Sapagkat ang taong namumuhay nang matuwid at walang kapintasan ay mabubuhay nang matagal dito sa daigdig.
22 Ngunit ang masasama at mga mandaraya ay palalayasin. Bubunutin sila na parang mga damo.