18 May apat na bagay na para sa akin ay kahanga-hanga at hindi ko maunawaan:
19 Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan,kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan,kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan,at ang pamamaraan ng lalaki sa babae.
20 Ganito ang ginagawa ng babaeng nagtataksil sa kanyang asawa: Sumisiping siya sa ibang lalaki pagkatapos sasabihin niyang wala siyang ginagawang masama.
21 May apat na bagay na hindi matanggap ng mga tao sa mundo:
22-23 Ang aliping naging hari,ang mangmang na sagana sa pagkain,ang babaeng masungit na nakapag-asawa,at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.
24 May apat na hayop dito sa mundo na maliit ngunit may pambihirang kaisipan:
25 Ang mga langgam, kahit mahina, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.