19 Pero ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak.
20 Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo.
21 Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo.
22 Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at mahabang buhay sa sinumang makakasumpong nito.
23 Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.
24 Huwag kang magsalita ng kasinungalingan at walang kabuluhan.
25 Ituon mo ang iyong paningin sa mga bagay na mabuti.