3 Noong bata pa ako at nasa piling pa ng aking mga magulang, mahal na mahal ako ng aking ina bilang nag-iisang anak.
4 Tinuruan ako ni ama. Sinabi niya sa akin, “Anak, ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo ko. Sundin mo ang mga utos ko at mabubuhay ka nang matagal.
5 Pagsikapan mong magkaroon ng karunungan at pang-unawa. Huwag mong kalilimutan ang mga sinasabi ko at huwag kang hihiwalay dito.
6 Huwag mong tanggihan ang karunungan, sa halip pahalagahan mo ito, dahil iingatan ka nito.
7 Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo.
8 Tanggapin moʼt pahalagahan ang karunungan, dahil magbibigay ito sa iyo ng karangalan.
9 Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.”