9 Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.”
10 Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay.
11 Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran.
12 Kung susundin mo ito, walang makakasagabal sa buhay mo at maliligtas ka sa anumang kapahamakan.
13 Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.
14 Huwag mong gagayahin ang ginagawa ng mga taong masama.
15 Iwasan mo ito at patuloy kang mamuhay nang matuwid.