1 Mapalad ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama,o sumusunod sa mali nilang halimbawa,at hindi nakikisama sa mgataong nangungutya.
2 Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa Panginoon,at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan.
3 Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa,na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon.Magtatagumpay siya sa anumang kanyang ginagawa.
4 Ngunit iba ang mga taong masama;silaʼy parang ipa na tinatangay ng hangin.
5 Parurusahan sila ng Dios sa araw ng paghatol,at ihihiwalay sa mga matuwid.
6 Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoon ang mga matuwid,ngunit ang buhay ng taong masama ay hahantong sa kapahamakan.