1 Patunayan nʼyo, O Dios, na akoʼy walang kasalanan,at akoʼy inyong ipagtanggol sa mga hindi matuwid.Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sa masasama.
2 Kayo ang Dios na nag-iingat sa akin,bakit nʼyo ako itinakwil?Bakit kailangan pang magdusa ako sa pang-aapi ng aking mga kaaway?
3 Paliwanagan nʼyo ako at turuan ng inyong katotohanan,upang akoʼy magabayan pabalik sa inyong templo sa banal na bundok.
4 Nang sa gayon, makalapit ako sa inyong altar, O Dios,na nagpapagalak sa akin.At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa ay pupurihin ko kayo, O aking Dios.
5 Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?Dapat magtiwala ako sa inyo.Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!