1 Panginoon, aawit ako ng tungkol sa inyong pag-ibig at katarungan.Aawit ako ng mga papuri sa inyo.
2 Mamumuhay ako nang walang kapintasan.Kailan nʼyo ako lalapitan?Mamumuhay ako nang matuwid sa aking tahanan,
3 at hindi ko hahayaan ang kasamaan.Namumuhi ako sa mga ginagawa ng mga taong tumatalikod sa Dios,at hindi ko gagawin ang kanilang ginagawa.
4 Lalayo ako sa mga taong baluktot ang pag-iisip;hindi ako sasali sa kanilang ginagawang kasamaan.
5 Sinumang lihim na naninira sa kanyang kapwa ay aking wawasakin.Ang mga hambog at mapagmataas ay hindi ko palalagpasin.
6 Ipapadama ko ang aking kabutihan sa aking mga kababayan na tapat sa Dios at namumuhay nang matuwid;silaʼy magiging kasama ko at papayagan kong maglingkod sa akin.
7 Ang mga mandaraya at mga sinungaling ay hindi ko papayagang tumahan sa aking palasyo.
8 Bawat araw ay lilipulin ko ang mga taong masama;mawawala sila sa bayan ng Panginoon.