1 Nagtitiwala ako sa Panginoon na aking kanlungan. O tao, bakit ninyo sinasabi sa akin,“Tumakas ka papuntang kabundukan, at lumipad tulad ng ibon.
2 Inihanda na ng mga masama ang kanilang mga pana,para panain nang palihim ang mga matuwid.
3 Ano ang magagawa ng mga matuwid kung ang batasna pundasyon ng bayan ay wala nang halaga?”
4 Ang Panginoon ay nasa kanyang templo;at nasa langit ang kanyang trono.Tinitingnan niya at sinisiyasat ang lahat ng tao.
5 Sinisiyasat niya ang matutuwid at masasama.At siyaʼy napopoot sa malulupit.
6 Pauulanan niya ng lumalagablab na baga at asupre ang masasama;at ipapadala niya ang mainit na hangin na papaso sa kanila.
7 Dahil ang Panginoon ay matuwid at iniibig niya ang mga gawang mabuti,kaya ang mga namumuhay nang tama ay makakalapit sa kanya.