1 O Dios, pakinggan nʼyo ang daing ko!Ingatan nʼyo ang buhay ko mula sa banta ng aking mga kaaway.
2 Ingatan nʼyo ako sa kasamaang pinaplano nila.
3 Naghahanda sila ng matatalim na salita,na gaya ng espada at palasong nakakasugat.
4 Nagsasalita sila ng masakit sa likod ng mga taong matuwidna parang namamana nang patago.Bigla nila itong ginagawa nang walang katakot-takot.
5 Hinihikayat nila ang isaʼt isa na gumawa ng kasamaanat pinag-uusapan nila kung saan maglalagay ng bitag.Sinasabi nila, “Walang makakakita nito.”
6 Nagpaplano sila ng masama at sinasabi, “Napakaganda ng plano natin!”Talagang napakatuso ng isip at puso ng tao!
7 Ngunit papanain sila ng Dios at bigla na lang silang masusugatan.
8 Mapapahamak sila dahil sa masasama nilang sinabi,kukutyain sila ng mga makakakita sa kanila.
9 At lahat ng tao ay matatakot.Pag-iisipan nila ang mga ginawa ng Dios at ipahahayag ito sa iba.
10 Magagalak at manganganlong sa Panginoon ang lahat ng matuwid.At magpupuri sa kanya ang mga gumagawa ng tama.