1 Tumatawag ako sa inyo, Panginoon, ang aking Bato na kanlungan.Dinggin nʼyo ang aking dalangin!Dahil kung hindi, matutulad ako sa mga patay na nasa libingan.
2 Pakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo!Humingi ako sa inyo ng tulong,habang itinataas ang aking mga kamay sa harap ng inyong banal na templo.
3 Huwag nʼyo akong parusahan kasama ng masasama.Nagkukunwari silang mga kaibigan,pero ang plano palaʼy pawang kasamaan.
4 Gantihan nʼyo sila ayon sa kanilang mga gawa.Parusahan nʼyo sila ayon sa masama nilang gawa.
5 Binalewala nila ang inyong mga gawa. Gaya ng lumang gusali,gibain nʼyo sila at huwag nang itayong muli.
6 Purihin kayo, Panginoon,dahil pinakinggan nʼyo ang aking pagsusumamo.
7 Kayo ang nagpapalakas at nag-iingat sa akin.Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.Tinutulungan nʼyo ako,kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.
8 Kayo, Panginoon, ang kalakasan ng inyong mga mamamayan.Iniingatan nʼyo ang inyong haring hinirang.
9 Iligtas nʼyo po at pagpalain ang mga mamamayang pag-aari ninyo.Katulad ng isang pastol, bantayan nʼyo sila,at kalungin magpakailanman.