1 Makinig kayo, lahat ng bansa,kayong lahat na nananahan dito sa mundo!
2 Dakila ka man o aba,mayaman ka man o dukha, makinig ka,
3 dahil magsasalita ako na puno ng karunungan,at puno rin ng pang-unawa ang aking kaisipan.
4 Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan,at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito, habang tinutugtog ko ang alpa.
5 Bakit ako matatakot kung may darating na panganib,o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway?
6 Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamananat dahil dito ay nagmamayabang.
7 Pero walang may kakayahang tubusin ang kanyang sarili mula sa kamatayan,kahit magbayad pa siya sa Dios.
8 Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay;hindi sapat ang anumang pambayad
9 upang ang taoʼy mabuhay magpakailanman,at hindi na mamatay.
10 Nakikita nga ng lahat, na kahit ang marurunong ay namamatay,ganoon din ang mga matitigas ang ulo at mga hangal.At maiiwan nila sa iba ang kanilang kayamanan.
11 Ang kanilang libingan ay magiging bahay nila magpakailanman.Doon sila mananahan,kahit may mga lupaing nakapangalan sa kanila.
12 Kahit tanyag ang tao, hindi siya magtatagal;mamamatay din siya katulad ng hayop.
13 Ganito rin ang kahihinatnan ng taong nagtitiwala sa sarili,na nasisiyahan sa sariling pananalita.
14 Silaʼy nakatakdang mamatay.Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan.(Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.)Mabubulok ang bangkay nila sa libingan,malayo sa dati nilang tirahan.
15 Ngunit tutubusin naman ako ng Diosmula sa kapangyarihan ng kamatayan.Tiyak na ililigtas niya ako.
16 Huwag kang mangamba kung yumayaman ang ibaat ang kanilang kayamanan ay lalo pang nadadagdagan,
17 dahil hindi nila ito madadala kapag silaʼy namatay.Ang kanilang kayamanan ay hindi madadala sa libingan.
18 Sa buhay na ito, itinuturing nila na pinagpala sila ng Dios,at pinupuri din sila ng mga tao dahil nagtagumpay sila.
19 Ngunit makakasama pa rin sila ng kanilang mga ninunong namatay na,doon sa lugar na hindi sila makakakita ng liwanag.
20 Ang taong mayaman na hindi nakakaunawa ng katotohananay mamamatay katulad ng mga hayop.