1 O Dios, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,
2 upang malaman ng lahat ng bansa ang inyong mga pamamaraan at pagliligtas.
3 Purihin ka sana ng lahat ng tao, O Dios.
4 Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,dahil sa makatarungan nʼyong paghahatol at pagpapatnubay sa lahat ng bansa.
5 O Dios, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.
6-7 Mag-ani sana ng sagana ang mga lupain.Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Dios, na aming Dios.At magkaroon sana ng takot sa inyo ang lahat ng tao sa buong mundo.