1 Panginoon, hanggang kailan nʼyo ako kalilimutan?Kalilimutan nʼyo ba ako habang buhay?Hanggang kailan ba kayo magtatago sa akin?
2 Hanggang kailan ko dadalhin itong mga pangamba ko?Ang aking mga araw ay punong-puno ng kalungkutan.Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway?
3 Panginoon kong Dios, bigyan nʼyo ako ng pansin;sagutin nʼyo ang aking dalangin.Ibalik nʼyo ang ningning sa aking mga mata,upang hindi ako mamatay
4 at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, dahil tiyak na magagalak sila kung mapahamak ako.
5 Panginoon, naniniwala po ako na mahal nʼyo ako.At ako ay nagagalak dahil iniligtas nʼyo ako.
6 Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.