1 Tumitingin ako sa mga bundok;saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
2 Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,na gumawa ng langit at ng lupa.
3 Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal.Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
4 Pakinggan mo ito!Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
5 Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo;siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.
6 Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.
7 Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
8 Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,ngayon at magpakailanman.