1 Ikaw, taong mapagmataas,bakit mo ipinagyayabang ang kasamaan mo?Hindi baʼt ang Dios ay palaging mabuti sa iyo?
2 Sa pagbabalak mo ng masama laban sa iba,kasintalim ng pang-ahit ang iyong dila,at lagi kang nagsisinungaling.
3 Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan,at mas nais mong magsinungaling kaysa magsabi ng katotohanan.
4 Taong sinungaling, ang gusto moʼy makapanakit ng iba sa pamamagitan ng iyong pananalita.
5 Ngunit dudurugin ka ng Dios nang tuluyan.Dadakpin ka at kakaladkarin palabas ng bahay;bubunutin ka mula rito sa mundo ng mga buhay.
6 Makikita ito ng mga matuwid at magtataka sila. Pagtatawanan ka nila at sasabihing,
7 “Tingnan ninyo ang taong hindi nanalig sa Dios bilang matibay nilang kanlungan.Sa halip, nagtiwala lang sa kanyang masaganang kayamanan,at patindi nang patindi ang kanyang kasamaan.”
8 Ngunit ako ay tulad ng punong olibona yumayabong sa loob ng inyong templo.Nagtitiwala ako sa inyong pag-ibig magpakailanman.
9 Pasasalamatan ko kayo magpakailanman dahil sa mga ginawa ninyo.At sa harapan ng mga matatapat sa inyo, ipapahayag ko ang kabutihan ninyo.